Mga Tauhan Sa Kabanata 63 Noli Me Tangere
Mga tauhan sa kabanata 63 noli me tangere
Mga tauhan sa Noli Me Tangere Kabanata 63: Ang Noche Buena
Ang mga tauhan na bumubuo sa Kabanata 63: Ang Noche Buena ng Noli me Tangere ay ang mga sumusunod:
- Sisa
- Basilio
- Elias
- Manang Rufa
- Sinang
- Victoria
- Iday
Sisa
Sa kabanatang ito, siya ay tuluyang nawala sa sarili kayat hindi niya nakilala si Basilio nang una silang nagkita. Biglang bumalik ang kanyang ala-ala nang makitang duguan ang noo ng kanyang anak na si Basilio. Nayakap niya ang anak ng mahigpit at napasigaw sa kagalakan bago siya tuluyang bawian ng buhay.
Basilio
Sa kabanatang ito, labis ang kanyang pagdurusa dahil dalawang buwan siyang inalagaan ng matandang lalaki bago siya nagkaroon ng lakas upang umuwi at hanapin ang ina. Labis ang kanyang paghihinagpis nang hindi siya makilala ng ina na si Sisa kayat gumawa siya ng paraan ngunit sa muling pagdilat ng kanyang mata ay yakap niya ang ina at wala na itong buhay.
Elias
Sa kabanatang ito, siya ang lalaking sugatan na nagsabi kay Basilio kung anong dapat gawin sa bangkay ni Sisa para sigaan. Siya rin ay namatay sa kabanatang ito na hindi kailanman makikita ang pagbabagong kanyang hinahangad para sa kanyang bayan.
Manang Rufa
Sa kabanatang ito, nasibi niyang ang gumawa ng siga ay hindi raw marunong mangilin sa araw ng pagsilang ni Hesus.
Sinang, Victoria at Iday
Sa kabanatang ito, nag-uusap sila tungkol sa kasal ni Maria Clara at pagligtas ni Linares kay Kapitan Tiyago.
Nabanggit din ang mga iba pang mga tauhan gaya nina:
- Kapitan Basilio
- Don Filipo
- Maria Clara
- Crisostomo Ibarra
- Kapitan Tiyago
- Linares
- Matandang lalaki na nag-aruga kay Basilio
- Dalagang anak ng Matandang Lalaki
Aral sa kabanata 63 ng noli me tangere brainly.ph/question/2704796
Mahahalagang Karakter sa Noli Me Tangere= Kabanata 63"Noche Buena" brainly.ph/question/528058
Ano ang buod ng noli me tangere kabanata 63 brainly.ph/question/2148436
#LearnWithBrainly
Comments
Post a Comment